Sa taunang ito,masasabi kong marami ang natuklasan
ko sa akingsarili at mga bagay- bagay.Tulad na lamang ng pagtagumpay ko sa isang
bagay na kung iispin ko ay malabong mangyari.Isa na nga riyan ang pagkapanalo ko
sa DSPC.Ang pagkapanalo ko rito ang siyang tumugon sa aking matagal napangarap na makapasok
sa RSPC.Nakakatuwang isipin na ang kategoryang pinagwagian ko ay isa sa mga kategoryang ayaw na ayaw kong pasukin
at kailanman ay hindi ko hinangad na sumali rito.Ang lahat nga talaga ng mga pangyayari
ay may dahilan.
S Samantala,sa aming klase ay madami akong
natuklasan sa mga natatagong ugali ng iba kong
kaklase.Nakakalungkot man
sabihin ngunit ito angkatotohanan.Nariyan ang hindi pagiging disiplina nila at minsan pati respeto ay hindi na nila na iipamalas.
Hindi rin maaalis ang hindi pagkakaunawaan
ng iba dahil siguro sa ibat-ibang pananaw.
Sa kabila ng mga ito ,mas nanaig parin
ang masasayang karanasan namin.Halimbawa na lamang ng pagtatawanan ng lahat kapag
sumasagot si Arlante,tawanan kasama ang mga kaibigan at ibapa.Minsan pa nga ang
pang-aasar sa isa naming kaklase kapag dumadaan ang kanyang hinahangaan.Maging ang paglolokohan naming kasama ang aming gurong tagapayo.
Walang titibag sa Antimony!Ang katagang
ito ang pinanghhahawakan ng aming pangkat.Sa pagtatapos ng taunang ito,tila nga
ba ang mga masasayang ala-alang ito ay bibitbitin naming sa pagbukas ng bagong kabanata
ng aming buhay sa susunod na baitang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento