Sa una,akala ko laging seryoso ang aming
klase kapag siya ang magtuturo.Dahil alam ko kung kung gaano siya kasungit at
marahil siya rin ang gurong tagapayonamin sa pahayagan.
Ngunit ang ahat ng ito`y hanggang akala lamang.Hindi siya yung tipo ng mga taong
masusungit na hindi marunong ngumiti at makisabay sa halakhakan ng ibang tao.
Sa kanyang pagtuturo ,iba ang pamamaraan
na ginagamit niya.Hindi ko alam kung ano basta hindi ko maipaliwanag.Minsan,nagtataka
ako bakit kapag siya ang nagtuturo sa amin ang haba ng oras at maramikaming nagagawa
hindi tulad ng ibang guro namin.Marahil alam niya kung paano niya pagkakasyahin
sa loob ng 40 minuto angkanyang ituturo.
Nang makasama ko siya sa Lipa higit na
mas nakilala ko siya.
Maraming payo narin siyang nasasabuhay.Ang
pagiging masayahin,magaling sa pagtuturo at pagiging mapanuri ang mga kaugalian
niyang tumatak sa aking isipan.Ang mga ito ay mga alaala ko sa kaniya at sa kanyang
pagtuturo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento