Maraming aral,payo at kaalaman akong natutunan ngayong linggong ito mula sa guro namin sa Filipino at Ingles..Marahil sa linggong ito,nakasama ko sila sa laban sa loob ng apat na araw at tatlong gabi.
Una na nga riyan ay huwag mawalan ng kompyansa sa sarili sa oras ng laban na kahit alam mo ng magagaling ang mga katunggali mo at dehado kana.Ayon nga kay Gng.Morales na ang panalangin ang isa sa magiging sandata mo sa pagharap sa mga problema at maging sa mga paligsahan.At base na rin kay Gng.Mixto na ano ang silbi ng kasaysayan kung hahayaan mo lamang na sila ang laging gagawa ng kasaysayan.
Sa aming pagbabalik sa Antipolo,maraming mga bagay akon `namiss` sa Lipa .Kabilang na nga riyan ang mga taong nakasalamuha ko sa loob ng tatlong apat na araw,pagpila para sa pagkuha ng pagkain,masasarap na pagkain,pakikiligo kung saan-saang klasrum at higit sa lahat ang magandang pag-uugali ng mga Batangueno.
Ngunit ang lahat ng ito'y magiging magandang alaala na lamang at ang pagbalik namin sa Antipolo ay nangangahulugang balik normal na ang lahat.Sa loob ng dalawang araw ng aming klase,pagbabalik aral lang ang ginawa ng aming guro at ilang paalala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento