Sabado, Pebrero 21, 2015

Pagpapatuloy sa pagtalakay sa buhay ni Crisostomo Ibarra

       Sa unang araw nang pagtuturo ng aming guro sa linggong ito ay binalikan at nilinaw niya ang mga iniulat ng bawat grupo noong nakaraang linggo.Ibinigay niya ang mga iuulat ng bawat grupo na may kinalaman sa buhay ni Crisostomo Ibarra bilang isang anak,mangingibig at iba pa.Nagulat ang ilan kabilang na ako  na ang iniatas  niya ay iuulat pala  sa araw na ito.Sa loob ng sampung minuto ay itinapos namin ito ngunit  ang bawat isa sa aming grupo ay hindi handa.Mabuti na lamang ay sinabi ng aming guro  na ang ginawa naming movie trailer ay ipapanood na lamang.
       Sa sumunod na araw,nag-ulat ang pangkat apat at tatlo ngunit ang dalawang grupo ay hindi na nagkaroon ng oportunidad na magpresenta pa.Sa kadahilanang ipapanood  sa amin ang pelikulang Andres Bonifacio na siya rin namang gagawan ng sanaysay ng mga manunulat.
        Sa huling araw ay nagpresenta na ang dalawang grupo.Sa kabilang banda,ang bawat kabanata na may kinalaman sa buhay ng nasabing tauhan ay muling tinalakay .Nagbigay ng  ilang katanungan ang aming guro.Kabilang na nga rito ay kung tunay nga bang mangingibig at biktima nga lang ba ng pagkakataon si Ibarra sa nobela.Ang pangalawang katanungan ay nakakalito sa aken kaya hindi na akong nagtangka pang magtaas ng kamay.Ngunit sadya ngang nakakalito ang tanong na ito dahil maging ang mga kaklase ko ay hidi rin ito masagot.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento