Sabado, Hulyo 5, 2014

Kahalagahan ng Alamat

 Alam naman natin na malaki ang naiambag ng alamat sa kulturang Pilipino. sapagkat sa ganitong paraan natin nababatid kung saan nagmula ang mga tao,bagay,lugar at mga katawagan. Bagama't isa lang itong haka-haka para sa karamihan pero may mga mapupulot naman tayong aral dito.  Ang mga alamat din ang nagiging instrumento natin upang mapalawak pa ang ating sariling imahinasyon. Isa din ito sa mga bagay na maipagmamalaki nating mga pilipino dahil ang pagbabasa ng mga alamat ay paminsan-minsan naka-aapekto sa atin, sapagkat iniisip natin na ano kaya marahil ang gagawin natin kung tayo ang nasa katayuan ng tauhan? Sa ganyang paraan natatanto natin ang mga leksyon at ang mga bagay na dapat na nating gawin upang maitama natin ang ating mga pagkakamali. Masasabi talaga natin na tunay na mahalaga ang bawat alamat. Kaya naman nararapat lamang na panatilihin at ipagpatuloy ang paglaganap nito sapagkat marami pang mga henerasyon ang naghihintay na matuklasan ang iba't ibang uri ng mga kwento na nanggaling sa ating mga ninuno.
  


                                                             ~ Jennica Legados

2 komento: