Sabado, Hunyo 27, 2015

Bully masters Effects to Victims

                                 
          According to Google Trends that Philippines is the fourth highest searching country worldwide for Cyberbullying.A quite alarming fact in every Filipinoes since our country take pride in our friendly traits.And also this fact says that the bullies increased.Bullies don`t know the effects they have to their victims,namely,changing behaviour,great depression and the deadly suicide.
           The victims in this case first experience changes in their behaviour.The cheerful,friendly and open-minded people transformed in being loner, and shy.So they are more likely want to be and independent than to socialize others.
           Once they are not willing to socialize others,they are prone in great depression.A depression that become a reason of all his/her poor grades,absentees,vices and having lower self-steem.And bully victims become unhealthy physically,emotionally,socially,psychologically, and others.
            They can not handle there depression so that they try to kill themself or commit suicide.Most teenagers did it.They end there life in just a non-sense post but have a big impact .Just like what happened to Roy Cayetano from Zamboanga City who died in front of his computer with his facebook account that still opened and it is stated that he kill himself because of a hate site who bashing him a lot (source:The Philippine Trend).
            These negative effects in victims of Cyberbullying are not only a  indication that you must stop doing these.But also in just a click,think wisely and be considerate in your post,status,share and tagging other people.Lets help our country to lessen and solve this case.If you are one of the bully masters,do what is right.

Biyernes, Marso 20, 2015

Kabanata ng aking buhay sa Antimony

                  Tawanan,asaran,pagiging malungkot,pagtutulungan,labis na pagkapagod,hindi pagkakaunawaan             at pagtupad sa aking mga pangarap.Ang mga karanasang ito ang bubuo sa kabanata ng aking buhay             sa ikasiyam na baitang.
                                  Sa taunang ito,masasabi kong marami ang natuklasan ko sa akingsarili at mga bagay-                                    bagay.Tulad na  lamang ng pagtagumpay ko sa isang bagay na kung iispin ko ay malabong mangyari.Isa                      na nga riyan ang pagkapanalo ko sa DSPC.Ang pagkapanalo ko rito ang siyang tumugon sa aking                              matagal napangarap na makapasok sa RSPC.Nakakatuwang isipin na ang kategoryang pinagwagian ko                      ay isa sa mga kategoryang ayaw na ayaw  kong pasukin at kailanman ay hindi ko hinangad na sumali                          rito.Ang lahat nga talaga ng mga pangyayari ay may dahilan.
       S                       Samantala,sa aming klase ay madami akong natuklasan sa mga natatagong ugali ng iba kong 
                   kaklase.Nakakalungkot man sabihin ngunit ito angkatotohanan.Nariyan ang hindi pagiging disiplina nila at                    minsan pati respeto ay hindi na nila na iipamalas.
                                Hindi rin maaalis ang hindi pagkakaunawaan ng iba dahil siguro sa ibat-ibang pananaw.
                                Sa kabila ng mga ito ,mas nanaig parin ang masasayang karanasan namin.Halimbawa na lamang                     ng pagtatawanan ng lahat kapag sumasagot si Arlante,tawanan kasama ang mga kaibigan at ibapa.Minsan                   pa nga ang pang-aasar sa isa naming kaklase kapag dumadaan ang kanyang hinahangaan.Maging ang                         paglolokohan  naming kasama ang aming gurong tagapayo.
                                Walang titibag sa Antimony!Ang katagang ito ang pinanghhahawakan ng aming pangkat.Sa                         pagtatapos ng taunang ito,tila nga ba ang mga masasayang ala-alang ito ay bibitbitin naming sa pagbukas ng                 bagong kabanata ng aming buhay sa susunod na baitang.

Ang aming Guro

                   Sa una,akala ko laging seryoso ang aming klase kapag siya ang magtuturo.Dahil alam ko kung kung   gaano siya kasungit at marahil siya rin ang gurong tagapayonamin sa pahayagan.                                                               
                Ngunit ang ahat ng ito`y hanggang akala lamang.Hindi siya yung tipo ng mga taong masusungit              na hindi marunong ngumiti at makisabay sa halakhakan ng ibang tao.
               Sa kanyang pagtuturo ,iba ang pamamaraan na ginagamit niya.Hindi ko alam kung ano basta                    hindi ko  maipaliwanag.Minsan,nagtataka ako bakit kapag siya ang nagtuturo sa amin ang haba ng              oras at maramikaming nagagawa hindi tulad ng ibang guro namin.Marahil alam niya kung paano                  niya pagkakasyahin sa loob ng 40 minuto angkanyang ituturo.
               Nang makasama ko siya sa Lipa higit na mas nakilala ko siya.

              Maraming payo narin siyang nasasabuhay.Ang pagiging masayahin,magaling sa pagtuturo at                    pagiging mapanuri ang mga kaugalian niyang tumatak sa aking isipan.Ang mga ito ay mga alaala ko            sa kaniya at sa kanyang pagtuturo.

Pagtahak sa K-12

             Ang  dali-dali  naman nito!Ito ang kadalasang sinasambit ko kung kami ay may gawain noong ako ay nasa ikapitong baitang pa lamang.Sa panahong iyon,halos lahat ng aralin ay madali lamang intindihin kahit basahin ko
 lamang ito.
                           Ngunit habang palapit ng palapit kami sa Senior Highschool tila nga ba ang lahat ay nagiging
                kumplikado na sa paggawa ng proyekto,gawain,aralin at ibapa.Maging ang mga kaklaseko ay nahihirapan rin,pansin                   ko ito sa tuwing sila ay tinatanong ko.Pakikinig at pagigingmalikhain-iyan ang mga salitang kumakatawan sa                                   kurikulum na  ito.Kailangan mo talagang makinig sa yong mga guro para makasabay ka lalong lalo na sa                       asignaturang Matematika at Agham.Ang aming mgaproyekto ay hindi na rinbasta-basta ang proyekto kundi                 kailangan mo talagang pagandahin at paglaanan ng panahon dahil malaki ang porsyente ng sakop nito sa                     aming grado.At sa pagsusulit naman namin ay nauubos ang aming oras sa paggawa ng produkto.                                              `Stress!’.Iyanangkadalasangbukambibig naming magkakaklase.
                          Sa kabila ng mga karanasang ito,hindi mawawala ang mga masasayang karanasan at bagong                        kaalaman namin sa K-12.Minsan kahit gaano man kahirap ang mga ginagawa namin ay labis na kasiyahan                  naman ang nararamdaman ko dahil nagawa ko ang bagay na ito.Ibat-ibang kaalaman-ito rin ang lamang namin            sa mga estudyanteng hindi dumaan sanasabing kurikulum.                           
                         Ano pa kaya ang mga matutunan ko?Gaano kaya kahirap ang mga araling aming tatalakayin sa                      pagtapak namin sa Ika-10 baitang?Makakayanan pa kaya ito ngutak ko?Itoang mga katanungang paulit-ulit na            tinatanong ko sa aking sarili.Katanungang pilit kong binubura sa aking isipan para hindi maging mahirap ang                pagtahak ko sa susunod na baitang.

Linggo, Marso 15, 2015

Pagtalakay sa buhay ni Maria Clara

         Matapos ang aming pagsusulit,tinalakay naman namin si Maria Clara.Buhay na buhay ang kaisipan ng aking mga kaklase dahil pag-ibig ang pinag-uusapan.Dapat nga bang sundin ni Maria Clara ang kanyang magulang o ang sinisigaw ng kanyang damadamin?Iyan ang tanong na tila ba  pinagdedeskusyun sa aming klase.Ang tanong na animoy nakarating sa ibat-ibang paksa ukol sa pag-ibig.Ang ilan naman ay may mga pinanghuhugutan sa kanilang mga sinasagot.May ilan rin namang katanungan ang aming tinalakay.
          Ang bawat grupo rin ay naatasan ng ibat-ibang gawain.Ang larawang nasa ibaba ay ang ginawa ng aming pangkat.


   Samantala ang mga larawan naman na ito ay ang ginawa kong takdang aralin namin.



Pagsagawa ng mock trial

       Ngayong linggong ito,tila nga ba  ang dalawang pangkat na magprepresenta ng mock trial ay medyo nahirapan sa pagpili ng mga lilitisin at magiging abogado.Sa aming grupo,si Marasigan ang pinili naming Elias at si Ostia naman ang abogado.Ang aming Elias ay nabigla nang sabihin namin na siya ang magiging Elias kaya hindi ko alam kung magagampanan niya ito.Salamat na lamang na nasagot niya ang mgatanong sa kanya ni Bueno na siya namang abogado ng kabilang grupo.Sa huli,nasagot naman nila ang katanungang dapat sagutin.Ngunit nadismaya lang ako ng konti sa desisyon ng hukuman.Dahil para sa akin ay mas nabigyan ng kasagutan ang katanungan.

Sabado, Pebrero 21, 2015

Pagpapatuloy sa pagtalakay sa buhay ni Crisostomo Ibarra

       Sa unang araw nang pagtuturo ng aming guro sa linggong ito ay binalikan at nilinaw niya ang mga iniulat ng bawat grupo noong nakaraang linggo.Ibinigay niya ang mga iuulat ng bawat grupo na may kinalaman sa buhay ni Crisostomo Ibarra bilang isang anak,mangingibig at iba pa.Nagulat ang ilan kabilang na ako  na ang iniatas  niya ay iuulat pala  sa araw na ito.Sa loob ng sampung minuto ay itinapos namin ito ngunit  ang bawat isa sa aming grupo ay hindi handa.Mabuti na lamang ay sinabi ng aming guro  na ang ginawa naming movie trailer ay ipapanood na lamang.
       Sa sumunod na araw,nag-ulat ang pangkat apat at tatlo ngunit ang dalawang grupo ay hindi na nagkaroon ng oportunidad na magpresenta pa.Sa kadahilanang ipapanood  sa amin ang pelikulang Andres Bonifacio na siya rin namang gagawan ng sanaysay ng mga manunulat.
        Sa huling araw ay nagpresenta na ang dalawang grupo.Sa kabilang banda,ang bawat kabanata na may kinalaman sa buhay ng nasabing tauhan ay muling tinalakay .Nagbigay ng  ilang katanungan ang aming guro.Kabilang na nga rito ay kung tunay nga bang mangingibig at biktima nga lang ba ng pagkakataon si Ibarra sa nobela.Ang pangalawang katanungan ay nakakalito sa aken kaya hindi na akong nagtangka pang magtaas ng kamay.Ngunit sadya ngang nakakalito ang tanong na ito dahil maging ang mga kaklase ko ay hidi rin ito masagot.

Sabado, Pebrero 14, 2015

Ang buong linggo para kay Crisostomo Ibarra...

     Upang masagutan namin ang  katanungang iniwan sa amin ng aming guro na kung tama lang bang pinatakas si Crisostomo Ibarra sa kabila ng tinutugis siya ay ipinagpatuloy ng tatlong grupo ang pag-uulat sa ilang kabanata ng nobela na may kinalaman sa katauhan ng pangunahing bida.
    Halos buong linggong ito ay nag-ulat lamang ang bawat grupo at ang ibang bahagi rin ng kanilang inuulat ay pinapaliwanag rin ng aming guro nang maayos.Ang bawat  pangyayari sa nobelang aming pinag-aaralan ngayon ay naging malinaw na sa akin.At ang tanong na ito ay magagawan ko na ng konklusyon.
     Samantala, noong Byernes ay sinantabi muna namin ang Noli Me Tangere.Gumawa kami ng liham para isang tao na nais naming sulatan.Sa gawaing ito,isang tao ang inilayan ko ng aking sulat para sa Araw ng mga Puso.

Linggo, Pebrero 8, 2015

Ikaapat na linggo...

     Sa linggong ito nakatakdang isagawa namin ang aming produkto na 'Parade of Characters'.Iniatas sa akin ng namumuno sa aming pangkat na maging Donya Victorina.Nung una,inayawan ko ito pero tinanggap ko na din para sa kapakanan ng aming grupo.Hindi inaasahan ang ilang ginawa ni VigillaMatapos ang lahat  ay magpresenta sa harap,pinuri niya kami at tinama ang ilang pagkakamali.Sa sumunod na araw binalikan namin ang mga katauhan sa Noli Me Tangere.Inanunsyo ng aming guro na ang bawat grupo ay maguulat ng mga kabanata na naatas sa kanila.Nag-ulat ang unang pangkat at ipinaliwanag ang mga nilalaman nito namay kinalaman sa buhay ni Crisostomo Ibarra.  

Repleksyon...

    Maraming aral,payo at kaalaman akong natutunan ngayong linggong ito mula sa guro namin sa Filipino at Ingles..Marahil sa linggong ito,nakasama ko sila sa laban sa loob ng apat na araw at tatlong gabi.
    Una na nga riyan ay huwag mawalan ng kompyansa sa sarili sa oras ng laban na kahit alam mo ng magagaling ang mga katunggali mo at dehado kana.Ayon nga kay Gng.Morales na ang panalangin ang isa sa magiging sandata mo sa pagharap sa mga problema at maging sa mga paligsahan.At base na rin kay Gng.Mixto na ano ang silbi ng kasaysayan kung hahayaan mo lamang na sila ang laging gagawa ng kasaysayan.
    Sa aming pagbabalik sa Antipolo,maraming mga bagay akon `namiss` sa Lipa .Kabilang na nga riyan ang mga taong nakasalamuha ko  sa loob ng tatlong apat na araw,pagpila para sa pagkuha ng pagkain,masasarap na pagkain,pakikiligo kung saan-saang klasrum at higit sa lahat ang magandang pag-uugali ng mga Batangueno.
    Ngunit ang lahat ng ito'y magiging magandang alaala na lamang at ang pagbalik namin sa Antipolo ay nangangahulugang balik normal na ang lahat.Sa loob ng dalawang araw ng aming klase,pagbabalik  aral lang ang ginawa ng aming guro at ilang paalala.

Biyernes, Enero 16, 2015

Ikaapat na Markahan

   Sa linggong ito natapos na ang aming ikatlong markahan.Kung aking ipagkukumpara ang pagsusulit noong nakaraang markahan,masasabi kong mas madali ngayon kaysa noong nakaraang markahan.
   Sa linggo ring ito,pinasimulan ni Gng.Mixto ang aming talakayan tunkol sa Noli Me Tangere.At sinabi na rin niya ang mga gagawin naming produkto sa ikaapat na markahan.Higit na mas mahirap ang mga proyekto namin ngayon.

Biyernes, Enero 9, 2015

Repleksyon

    Ito ang unang linggo ng aming pasukan  ngayong taon. Sa unang araw ng aming talakayan,ipinakilala sa amin ni Gng. Mixto ang aralin apat na kung saan ang Saudi Arabia at Israel ang aming bibisitahin.
    Nagbalik aral kami sa  mga tinalakay noong nakaraang taon bagamat wala ako noon.At nagbalik aral rin kami sa sanaysay.Naatasan rin kami na manood ng isang dokyumentaryo at sagutin ang mga tanong na ibinigay ng aming guro.
   Ang isa sa mga napanood kong dokyumentaryo ay Ang mga Dalagita sa Sapang Kawayan.
Ang dokyumentaryong ito ay tumatalakay sa pagbubuntis ng mga dalaga ng maaga sa isala ng Sapang Kawayan.Habang pinapanood ko ito,hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga nalaman ko at mga dahilan na binigay ng mga dalaga.Naiinis na naaawa ako sa kanila dahil sa murang edad pa lamang nila ay  nagkakaanak na sila .At nakakainis din dahil ang mga dahilan ng mga kabataan ay hindi sapat na dahilan para sa maagang pagbubuntis.Higit sa lahat,naiinis ako sa mga mentalidad ng mga tao sa lugar na ito na kung saan kapag hindi kapa nagkaanak sa edad na 18 ay naiiwanan kana ng byahe at sa mga mgulang naman kapag 40 dapat may apo kana.Ngunit hindi korin naman masisisi ang mga tao dito dahil kung tutuusin ang gobyerno rin ang  may kakulangan sa lugar na ito.
    Tinalakay rin namin ang pangangatwiran ,pamaksang pangungusap at pantulong na pangungusap.

Biyernes, Disyembre 12, 2014

Ngayong linggong ito...

            Sa linggong ito ay dalawang araw na hindi nagturo si Gng.Mixto dahil sa paggawa ng dyaryo.Pinasulat lamang kami ng mga gawain.Tinalakay ni Gng.Mixto ngayong araw naito pagkakaiba ng elehiya,dalit at oda.
            Ngayong linggong ito,napagtanto ko sa elehiya para sa kamatayan ni kuya na bagmat natalakay na namin noong nakaraang linggo na dapat mong pahalagahan at ipadama ang pagmamahal mo sa iyong minamahal sa buhay.Hindi natin alam kung kailan sila mawawala kaya habang sila ay nabubuhay pa ipadama mo na ang pagmamahal mo.Kapag hindi mo ito pinadama ngayon baka pagsisihan mo pa ito sa buong buhay mo.

Sabado, Nobyembre 29, 2014

Repleksyon

     Ngayong linggong ito,tinalakay namin ang parabula.Ang parabula na isang maikling kwento na kadalasang hinahango mula sa Bibliya.Karamihan sa mga talinghaga o parabula ay mga kwentong sinabi ni Hesus na nagbibigay ng relihiyosong aral.Ang pabula at parabula ay magkaiba dahil ang tauhan ng mga pabula ay puro hayop.
      Ang aming parabula na tinalakay ngayon ay parabula ng banga (http://filipinobaitang9.blogspot.com/…/parabula-ng-banga.ht…).Habang tinatalakay sa amin ni  Ginang Mixto ang aral ng kwentong ito ako ay natatamaan.Aminado ako na ang karaniwang tinitingnan ko sa isang lalaki ay maitsura pero hindi naman ako tulad ng iba na papatol; agad dahil sa itsura ng lalaki.Sa araling ito,natutunan ko na dapat pag dumating na ang tamang panahon para ikaw ay umibig hindi dapat panlabas na kagandahan lang ang tinitingnan mo.Pilin mo ang lalaking karapat dapat at may mabuting kalooban.

   

Biyernes, Nobyembre 21, 2014

Repleksyon ngayong linggo...

       Sa linggong ito,si Gng. Mixto na ang aming naging guro.Muli naming binalikan ang aming aralin tungol sa paghahambing.Nagbigay  siya  ng iba pang kaalaman at mga gamit ng paghahambing.Nagkaroon rin kami ng ilang pagsasanay ukol sa pagbuo ng pangungusap gamita ang mga pahambing.At ngayong araw na ito,nagbigay ng ilang katanungan ang aming guro na may kinalaman sa kwento ng Rama at Sita.
       Matapos ang aralin na ito,maraming aral ang  aking natutunan.Una na nga riyan na kapag nagmahal ka ng isang tao kailangan mong maging tapat.Kapag mahal mo ang isang tao at may iba siyang mahal hindi mo kailangang gumamit ng karahasan para  mapasayo lamang ito.Ang pinakanatutunan ko ngayong linggong ito,hindi mo dapat maging dahilan ang pera ng isang lalaki para lamang sumama ka sa kanya kung hindi mo naman sya mahal.
       Ngunit ang lahat ng iyan ay hindi ko pa mararanasan dahil wala pa ako sa tamang edad para pumasok sa isang relasyon kaya ang lahat ng natutunan ko ay maisasabuhay ko kapag ako ay nagmahal na.

Biyernes, Nobyembre 14, 2014

Sa linggong ito...

     Ngayong linggo ay wala si Ginang Mixto kaya si Bb.Basbas ang humalili sa kaniya.Ngunit sa kasamaang palad,namamaos siya at di kayang magsalita ng matagal.Si Trixie ang aming naging guro.
   Tinalakay niya ang tungkol sa paghahambing.Natutunan ko ang  ibat-ibang uri nito.Nagsagawa kami ng pangkatang gawain kaugnay nito.Sa pagsasagawa ng aming pangkatang gawain marami parin ang nagkakamali sa paggamit ng malalaki at maliliit na titik sa pangungusap.Sa pangalawang araw,nag-ulat ang bawat pangkat tungkol sa paghahambing sa dalawang bansa sa Timog Kanlurang Asya.Nagsagawa rin kami ng pagsasanay dalawa at tatlo.Sa pagsasanay dalawa.kailangan naming paghambingin ang dating pangulo na sina Corazon Aquino at Gloria Arroyo habang sa ikatlong pagasasanay kailangan rin namin gumawa ng pangungusap gamit ang mga salitang naghahambing.

Sabado, Nobyembre 8, 2014

Unang linggo ng talakayan

    Ngayong linggong ito,tinalakay ni Ginang Mixto kung paano gumawa ng movie trailer.Nagbahagi ng ilang halimbawa si Ginang Mixto kaugnay sa aming tinalakay.Natutunan ko ang ibat-ibang paraan at dapat gawin sa paggawa nito na magiging proyekto namin ngayong markahan.
    Tinalakay rin namin ang aralin para sa unang aralin ngunit bago ito simulan nagsagawa muna kami ng gawain kung saan kailangan naming masagutan ang tinutukoy nito.
     Matapos kong mabasa ang Rama at Sita (Isang Kabanata),nalaman ko ang pilosopiya ng bansang India na kung saan pumapaksa sa kagandahan,talino at katotohanan.Natutunan ko rin  na kahit ano mang problema o tukso man ang dumating kaya nitong malampasan bastat mahal nyo ang isat-isa.

Biyernes, Oktubre 24, 2014

Paglalarawan sa aking katabi na si Gallardo

    Ang aking katabi na si Gallardo ay magaling kumanta,napakainosenteng bata,matalino at talentado.Siya rin ay makadiyos,magaling magdrawing,tamad rin minsan at mababaw  ang kaligayahan.Sa aking mga problema  siya ay laging nariyan para damayan ako ano mang oras.At maging sa mga gawain,takdang aralin,pangkatang gawain at proyekto lagi siyang nandyan para magpatulong sa aken pero kapag ako naman ang may kailangan sa kanya  para magpaturo sa computer hindi niya ako binabalewala.

Martes, Oktubre 21, 2014

ARALIN

                                                        Taiwan
            Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon 
                                              Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina  

Ang bilang ng populasyon ng  kababaihan sa mundo ay 51%  o  2% na mataas kaysa kalalakihan.  Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.  Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan.  Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na  50 taon.  Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan.  Nakikita ito sa Taiwan.  Ang unang kalagayan  noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.  Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa.  Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.   

 Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado.  Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay.  Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan.  Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.   Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila.  Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng  babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas.  Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala.  Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon.  Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.    At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin.  Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan,  ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang.  Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.   Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon.  Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin.  Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa  lipunan.  Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. 

Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan.   Ito ay matuwid pa rin sa kanila.  Marami pa ring dapat  magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.    




        May dalawang uri ng sanaysay. Ito ay ang maanyo o pormal at palagayan o di pormal. 
Ang maanyo o pormal na sanaysay ay nangangailangan ng maingat, maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan. Ang pananalita ay pinipiling mabuti. Ang paksa ay pinag-uukulan ng isang masusing pag-aaral. Seryoso ang ganitong uri ng sanaysay. Maingat na inilalahad at ipinaliliwanag ng awtor ang kanyang tinatalakay na bagay o isyu nang Hindi lamang nababatay sa sarili niyang karanasan at nalalaman. May mga sanggunian o basehan siya, may batayang kilala at kinikilala sa kanyang mga inilalahad. 
Ang sanaysay na di-pormal o palagayan ay tila nakikipag-usap, pansarili ang himig at may kalayaan ang ayos sa pagpapahayag. Ang karaniwang layunin nito ay magpakilala ng mahalagang kaalaman. Sa uring ito ng sanaysay, maaring paksain ang balana lalo na ang kaugalian ng Tao sa isang masaklaw na paglalahad. Dahil sa pamamaraang masaya at masigla, ang sanaysay na di-pormal o palagayan ay siyang ipinalalagay na kaakit-akit at kawili-wiling basahin. 

       Pagbibigay Kapangyarihan sa 

          Kababaihang Pilipino sa
 
   Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian 


     Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. 
     Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kaming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan.  Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili.  Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.
     Sa ngayon, ang  kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan.  Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. 
     Ang babae ay katuwang sa pamumuhay.  Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”.  Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.          Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. 
     Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay- proteksiyon sa mga kababaihan.  Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba.  Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan.  Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan. 
  
      (ang mga nakasalangguhit na salita ay ang mga pangatnig na ginamit sa akda)



         Niyebeng-itim 


                  ni Liu Heng Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra  

 Paparating na ang bisperas ng Bagong Taon.  Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio, isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang pinapapangit ng kamera.  Sinabihan na siya ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso, ngunit nag-order siya ng labinlima.  Nagulat ang klerk.   “Kinse?”   “Kinse nga.”   “Hindi kami siguradong maganda pa rin ang litrato kapag ganoon karami.”   “Gusto ko sabi ng kinse!”   May pagkainis na sa kanyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para mapigilan ang sarili na suntukin ang pangang iyon.  Nag-order siya ng kinse para hindi na siya bumalik pa sa susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na kahangalan ang ganito.   Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang kunin niya ang mga abo ng kanyang ina sa crematorium.  Tumalikod siya at lumakad papalayo dala ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang litrato, at nang nag-iisa na lamang, dinukot niya ang laman .  Labinlimang magkakatulad na litrato ang hawak niya, bawat isa ay nakatitig sa kanya nang may pare-parehong hitsura.  Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kanyang inaasahan.  Parang mas manipis ang kaniyang labi dahil nakatikom, nakatitig ang mga mata niya.  Hindi mo masasabing pangit.  Sa katunayan, mas guwapo siya kaysa sa maraming tao.  Wala siyang reklamo.   Dinala siya ni Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan sila.  Nakipag-usap sila sa iba’t ibang tao hanggang sa isang may katandaang opisyal ang nagbigay rin sa kanya ng lisensya para sa kariton.  Hindi naaprobahan ang kanyang aplikasyon para sa lisensya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota.  Ang mga kontak ni Tiya Luo ay hindi makatulong o ayaw nang tumulong.  Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos.  Wala nang pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda.  Ang mahalaga, mayroon siyang magawa.  Nabalitaan niyang mas madali ang pagtitinda ng prutas,  mas mabilis ang kita; mas mabagal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo.  Nabalitaan din niyang kailangan niya ng maayos na tindahan o koneksiyong black- market para talaga mapatakbo ito.  Ngunit handa siyang sumubok.  Kailangang palakasin niya ang kanyang utak, at di matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat.  Kahit maliit ang kikitain niya, hindi naman liliit pa iyon sa natatanggap niya bilang ulila, hindi ba?  Bahala na.   Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang isang matabang mama na tinawag ni Tiya Luo na Hepeng Li.  Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong Tiyo Li.  Walang ideya si Huiquan kung hepe ito ng ano at kaninong tiyo ito, ngunit naaalala niya rito ang matatabang sumo wrestler ng Hapon.   “Hindi ka ba magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?”    Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa kampo.Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardya, inspektor, at tagamasid na nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa kanila-  iyon ang pagsasanay.  Ginagawa na niya iyon dahil nakasanayan na.  Ngunit halos di siya napansin ng mama --  tila ito isang lalaking tumitingin ng kung anong paninda.  Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas.   “Ito ba siya?” tanong ng matabang mama kay Tiya Luo.   “Mabait siyang bata, tulad ng sabi ko.  Tingnan mo’t namumula na siya.”  Napatawa ang mama habang itinuon ang tingin kay Huiquan.   “Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong maraming retirado at walang trabaho ang di-makakuha?”   “Dahil … dahil kailangan ko ng trabaho?”   “Iyon lang ba?” mapanlibak ang ngisi ng mataba.   “Dahil isa akong ulila?” “Kinakalinga ka ng pamahalaan; tiyak kong alam mo iyan.  Huwag kang manggugulo at huwag kang sakim…   nagkamali ka na.  Kalimutan mo na iyon, dahil kapag umulit ka, wala nang tutulong sa iyo.”   “Gagawin ko anuman ang ipag-utos ng pamahalaan.”   Isa na naman sa maraming islogan sa kampo.  Nakabilanggo pa rin  ang kaniyang isip at damdamin kahit pinalaya na siya sa kampo.  Kahit si Tiya Luo ay tumangu-tango.  Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kanya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili.  Namalagi siya sa bilangguan. Sila ay hindi at nararamdaman niya na ang mga babala, panlalait, at paalala ay para lang sa kaniya; gamitin ang ihian, walang dudura, bawal pumasok, limang yuan na multa -  lahat ay patungkol sa kaniya at tanging sa kanya lamang.  Habampanahon na may magpapahirap sa kaniyang buhay, magtuturo sa kaibahan niya at ng ibang tao, hihila sa kanya paibaba.  Gusto  niyang lumaban, pero wala siyang lakas.  Kaya magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag,  Maraming taon na naman niyang ginagawa ito.    Masayang naglakad si Tiya Luo, di-pansin ang tamlay sa mukha ni Huiquan habang nakasunod ito na parang bilanggo.   “Halos Bagong Taon na.  Pwede kang manatili ngayong bagong taon sa amin.”   “Salamat, pero maayos na po ako…”   “Sa palagay ko’y matutuwa na ang ina mo.  Kung buhay siya, ipapangalandakan niya --  negosyante na ang anak ko; maganda ang kinabukasan niya; hindi na siya katulad nang dati.  Gusto kong pasalamatan mo ang nanay mo.”   “Sige po.”   “Bahala ka kung gusto mong mag-isa ngayong Bagong Taon pero hindi ibig sabihin na pwede kang uminom.”   “Huwag kayong mag-alala.”   “Hindi na maaga para mamili para sa Bagong Taon.  Isda, manok – kung ano- ano pa.  Kung hindi ka marunong magluto, pumunta ka rito at tuturuan kita.  Dapat lang na maayos ang Bagong Taon mo.  Pagkatapos, dapat magtrabaho na.  Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya.  Ano sa palagay mo, bata?”   “Kayo ang masusunod.”   Ngumiti siya ngunit matamlay.  Ang isang yari sa kahoy at canvass  na ambi ay aabot ng sandaan o mahigit pa; kung may tatlong gulong, dagdag na tatlong daan pa mahigit.  Wala nang matitira para sa paninda.  Hindi pa nga nagsisimula’y kailangan na niyang humugot sa naipon ng kaniyang ina.  Kinabahan siya dahil wala na itong atrasan.   Isa o dalawang araw bago ang Bagong Taon, nakakita siya ng kakarag-karag at lumang tatluhang gulong na sasaksyan sa East Tsina Gate Consignment Store na 230 yuan ang halaga.  Ayos ang presyo pero napakasama ng kondisyon at di- masasakyan.  Mukhang maayos ang balangkas- kahit paano’y napanatili ang hugis; walang gulong, pero mapakikinabangan pa rin ang gilid at rayos ng gulong; walang kuliling , walang kadena, at walang tapakan, ngunit may preno at pedal.  Hindi siya makapagpasya at pinag-isipan niya sa lahat ng anggulo.  Nalibot na niya ang buong bayan.  Ang mga bagong sasakyan ay nagsisimula sa apat na raan, wala namang ipinagbibiling umaandar pang segunda mano.  Sa isang groseri, nakakita siya ng isang sasakyang yari sa kawayan na mukha namang matibay, ngunit parang may mali rito.  Kung magtitinda siya ng damit, kakailanganin niya ang tatluhang gulong – para naman presentable.   “Gusto mo nito? Para saan?”  Lumapit ang klerk sa kaniya.   “Kariton para sa mga damit.”   “Tamang-tama.  Hindi ka magsisisi.  Kung poste ng telepono, o kongkreto. O iba pang katulad, hindi ko ‘to irerekomenda.  Pero para lamang pala sa ilang tumpok ng damit.  Di ka gagastos ng higit sa sandaan sa pag-aayos nito, at pwedeng tumagal pa ng lima, anim na taon.”   “Bakit di-gumagalaw?”   “Matigas ang preno.  Aayusin ko.”   Ibinigay ni Huiquan ang pera, at kinaladkad ang walang gulong na sasakyan mula East Tsina Gate patungong Dongsi, at mula roon, papuntang Chaoyong Gate.  Dahil sa kanyang natatanging sasakyan, naging sentro siya ng atensyon, bagaman hindi naman nakapipinsala ang mga tingin sa kanya.  Matapos bumili ng ilang parte sa pagawaan ng bisikleta sa labasan ng Chaoyong Gate Boulevard, tinulak niya ang kanyang sasakyan patungong East Lane ng Kalyeng Spirit Run papasok sa gate ng bilang 18.  Ang berdeng bayong na nakasabit sa kalawanging hawakan ng sasakyan ay napuno ng tinimplang baka, dalawang pinakuluang manok, may yelong isda, apat na paa ng manok at isang bote ng alak – hapunan para sa Bagong Taon.  Binili niya at madaling nakuha dahil ayaw na ayaw niyang nakapila at wala naman siya talagang hinahanap para sa kanyang hapunan.  Mas iniintindi niya ang kaniyang sasakyan, ang kanyang bagong kaibigan, ang kaniyang tahimik na kasama.   Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan, bisperas ng Bagong Taon.  Dumaan ito habang naglalagare siya ng kahoy, nakalambitin sa kaniyang bibig ang isang pirasong manok.  Tumanggi na muna siya.  May naamoy ang Tiya at inangat nito ang takip ng palayok.  Pinalalambot ang paa ng manok sa kumukulong sabaw.  Walang makikitang berde – hindi balanseng pagkain.  Sira na ang manggas ng kaniyang panlamig; puno ng kusot ang kaniyang sapatos at laylayan ng pantalon; marumi at mahaba ang kaniyang buhok.  Naawa si Tiya Luo sa kaniya, ngunit tumanggi pa rin si Huiquan.  Ginagamit pa rin niya ang kahoy na iniwan ni Hobo, desididong gumawa ng magandang patungan para sa kaniyang sasakyan.   Bumalik si Tiya Luo para imbitahan siyang manood ng TV -  nakatatawang palabas at iba pang kawili-wiling programa.  Hindi dapat palampasin.  Ngunit umiling siya, hindi man lang tuminag sa kaniyang paglalagare.

“Marami pa po akong gagawin.”   “Hindi makapaghihintay kahit pagkatapos ng Bagong Taon.”   “Mas gugustuhin kong patapusin ninyo ako...”   “Marami namang panahon.  Huwag mong tapusin agad lahat.  Di ka dapat magpagod, Bagong Taon pa naman.”   Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo.  Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak.  Matagal na pinalambutan ang paa ng manok kaya halos matanggal na sa buto ang mga laman nito.  Tama naman ang pagkaluto, medyo matabang, marahil, kaya nilagyan niya ng kaunting toyo ang plato at isinawsaw niya ang laman dito, at kumain at uminom siya hanggang sa mamanhid ang kanyang panlasa.   Maaaninag sa kaniyang bintana sa kaniyang likod ang pula at berdeng ilaw paminsan-minsan.  Karangyaan kahit saan ka lumingon, mula sa mga taong kuntento sa kanilang buhay.  Ano ang balak ng milyong taong ito ?  Ano ang ipinagsasaya nila?     Siguradong hindi siya kabilang sa kanila.  Kung buhay si Ina, panahon iyon ng pagbabalot ng dumpling, iyong maliliit na pagkaing pumuputok sa bibig na parang kendi.  Gustung-gusto niya iyon.  Sa unang Bagong Taon niya sa kampo, pitumpu’t anim ang nakain niya sa isang upuan, hanggang sa mabusog siya nang sobra’t hindi na siya halos makaupo, at ginugol niya ang buong hapon sa paglalakad sa laruan.  Gayunman, kahit ang alaalang ito ay hindi nakapagpasaya sa kaniya.  Malagkit ang mga kamay niya dahil sa pinalambutang paa ng manok at sapin ng malagkit na baboy, at nahihilo na siya dahil sa alak.   Lumabas siya at tumayo sandali sa bakuran.  Walang lamig, walang hangin.  Makulay ang langit; maraming paputok sa lahat ng dako.  Ang bakuran, na may mahigit sa pito o walong talampakan ang luwang, ay tulad ng balon sa ilalim ng kumikinang na bughaw na langit.  Isang stereo ang bumubuga ng awit, iyong tunog na di-maintindihan.  Naiisip niyang mataba at pangit ang mang-aawit. Nakapanood na siya ng ganito sa TV – magagandang boses at ngiti ngunit pangit ang hitsura nila.  Kumikisay sila sa iskrin, ang mga kilos ay nagpapatingkad lamang sa kanilang kapangitan at ang mga awit nila ay ginagawang mga sigaw at halinghing.  Magagandang babae lamang dapat ang ipinakikita sa TV, subalit maaaring nagkukulang na ng suplay.  Bagaman lumalayo na si Huiquan sa mga babae, sumasagi pa rin sa isip niya ang imahen ng magagandang dalaga.  Wala sa mga ito ang kilala niya dahil labo-labo na ang mga ito sa kanyang utak – malalabong imahen na ang intensyon ay malinaw at tiyak.  May mga panahon, natatanging panahon, kung kailan pinapangarap niyang mapasasayaw niya sa kaniyang isip ang mga imahen.  Ngunit sa totoong mundo man o sa mundo ng ilusyon ay hindi niya mapasunod ang mga ito.  Walang magawa, napilitan siyang tanggapin ang kaniyang kahinaan.   Ang isip ni Huiquan ay nabaling sa malalaswang dingding  --  dingding ng banyo na ang mga sugat ay hindi mabura, ginulping dingding na halos iguho ng malalaswang pag-atake.  Kakaiba, malaswang isip at dumi ay kakatuwang napapagsama nang maayos doon, pinupuwersa siyang harapin ang maruming katawan na pinipilit niyang itago.  Mag-isa sa bisperas ng Bagong Taon, idinagdag niya ang sarili niyang mga pantasya sa mga naroon sa maruruming dingding.  Hindi pala ang mga babae kundi marahil sa sarili pala niya siya naririmarim.   Sa sarili niyang paraan, inalagaan niya ang kaniyang sarili.  Magulo, siyempre pa, ngunit gusto niya ang gayon, lihim, ligtas, at di-komplikado.  Mas maraming mapagtataguan sa kampo kaysa kaya nilang bilangin – taniman, maisan, daluyan ng irigasyon, di pa nabubungkal na bukid – na ang tanging nagmamasid sa kaniya ay ang langit sa itaas at ang lupa sa ibaba.  Nang naroon na siya, wala na siyang pagtingin kay Xiaofen, kaya wala nang direksyon ang kaniyang pagkahumaling.  Bahala na.  Alam niyang pinaglalaruan siya ng mga demonyo at wala siyang lakas para labanan ito.   Pagod na siya.  Paubos na ang mga pagputok.  Ang madalang nang pagputok ay nagpatingkad sa kalaliman ng gabi.  Puno na ang mg tao ng kasiyahan, pagkain, at laro, at oras ba para matulog ang lungsod, bago magbukang-liwayway.  Wala siyang kasama, at pakiramdam niya’y nawawala siya.  Labas sa kaniyang mga pantasya, wala siyang makitang babae na karapat-dapat sa kaniyang pagmamahal.   Si Luo Xiaofen, wala na sa kanyang isip, ay hinding-hindi ang babaeng iyon.  Hindi pa niya nakikita ito simula nang lumabas siya.  Nagbabakasyon ito sa Harbin kasama ng kaniyang nobyo, isang assistant  sa kolehiyong normal, at isang gradwadong mag-aaral sa matematika si Luo – isang tambalang itinadhana ng langit.  Ibinalita ni Tiya Luo, masaya at nagmamalaki, na magpapakasal na ang dalawa sa Mayo.  Si Luo Xiaofen – kababata ni Hiuquan, sabay silang nag- elementarya hanggang gitnang paaralan, ngunit ngayon, wala na siyang pagkakatulad.  Nasa Harbin si Luo, samantalang siya, nasa kalyeng Spirit Run, sa isang madilim na sulok, gumagawa ng hamak na bagay.  Ngunit ito ang tadhana.  Hinahamak siyang lagi ng tadhana.   Sa unang araw ng bagong taon, pinagkaabalahan niya ang kaniyang sasakyan, sa ikalawang araw, inilabas iyon para paandarin.  Tuwang-tuwang siya sa mga sisidlang ginawa niya.  Nagbisekleta siya para tingnan ang mga pakyawan, para pag-aralan ang mga lokasyon nito.  Sa ikalima pa ang takdang pagbubukas ng mga ito, tila pinagkaisahan siya.  Walang magagawa hanggang sa araw na ito.   Matapos sumulat sa Instruktor Politikal Xue at ipadala ang liham, dumaan si Huiquan sa isang tindahan ng libro at bumili ng mga kopya ng “Mga Multo sa Isang Lumang Sementeryo at Mga Babaeng Ahas”.  Pagbalik sa bahay, humilata siya’t nagbasa habang kinaing-isa-isa ang saging.  Nitong mga nagdaang araw, nakaubos siya ng isang piling hanggang sa naging madulas ang kanyang bituka at napapapunta sa inodoro buong araw.  Maayos naman ang mga libro; hindi lang siya makaalala ng istorya.  Kaya’t binabasa niyang muli, at parang bago at kawili-wili pa rin sa ikalawang pagbasa.  Matapos niyang basahing muli ang mga libro, itinabi niya ito at ang mga pader ay tila blangko at maputla.  Saging pa.  Itinuturing na niyang mga gago ang mga awtor.  Nakababato.  Gayon pa rin bukas, at may pakialam ba siya ?  Ano ang pagkakaiba ng malaki at maliit na daga ?  Parehong pangit; parehong patagu-tago.   Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may daanan sa timog ng Silangang tulay.  Dito ang mga numero ay nakapinta nang puti sa mga ladrilyo na nasa isang mahabang hanay ng tigdadalawang kwadrado-yardang pwesto; ang iba ay okupado, ang iba ay hindi.  Matapos niyang ayusin ang kaniyang tindahan, tinakpan niya iyon ng ambi at inayos ang kaniyang sasakyan para magsilbing harap ng tindahan.  Sa bandang kaliwa niya ay ang daanang silangan-kanluran, sa bandang kanan, ang katapat nitong hilaga-timog.  Nasa tapat mismo ng paradahan para sa Eastbridge Department Store.  Nasa gilid siya ng alimpuyo ng mga tao, parang di humihinto.   Wala isa man lang na tumingin sa kaniyang paninda.  Pagod pa sa nagdaang okasyon, ang mga dumaraan ay palaiwas o bugnutin.  Ang kaniyang designasyong ay Timog 025.  Hindi magandang puwesto.  Siya ang ika-25 tindero ng damit sa isang mahabang yardang lugar.  Ang mga tindahan ng pagkain ay nasa hilagang bahagi ng kalye, na may di kulang sa anim na nagtitinda ng inihaw na kamote at ilan pang matatandang naglalako ng malamig na dalandan at halos bulok nang saging.   Napuno ng kulay berde sa kaniyang tindahan – isang bunton ng walong kulay-olibang kasuotang pang-army.  Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa.  Niloko siya ng matandang lalaki sa pakyawan.  Hindi maitinda ang mga kasuotan, panlamig na angora, at sapatos na gawa sa canvass. Ang naitinda lamang niya nang araw na iyon ay mga angora, madaling naubos ang dalawampung piraso.  Mangyari pa, iyon ang pain para sa iba pang paninda.  Ang pakyawan ay tres-diyes.  Ibinenta niya ang una ng apat na yuan at ang huli, sais-beinte.  Walang kinailangang magturo sa kaniya.  Natuto siya nang iabot sa kaniya ng unang kostumer ang pera ; huwag kang matataranta sa pera at kalimutan mo na ang pagiging magalang.  Sumigla siya, sa kung anumang dahilan; kumislap ang mata niya, at napanatag siya.  Sa wakas, isang bagay itong may kontrol siya.     Gusto sana niyang magtago ng isang gora para sa sarili.  Para itong Ku Klux Klan na talukbong – mga mata lamang ang makikita – at iyon ang kailangan ng nagtitinda.  Pakiramdam ni Huiquan ay makapangyarihan siya, tulad ng misteryosong matanda na naglalako ng minatamisan na nakatayo sa harap ng Eastbridge Department Store, sa dinaraanan mismo ng hangin, ilang oras na walang imik, walang kibot.  May mga kostumer siya – hindi marami, kaunti – ngunit hindi na matagalan ni Huiquan na panoorin siya, alam niyang maaari siyang sigawan nito kapag nagpatuloy pa siya.   “Sapatos na tatak-Perfection mula sa Shenzhen free economic zone.  Sapatos, tatak-Perfection, gawa sa Shenzen…”   Nagulat ang mga naglalakad sa sigaw niyang ito.  Narinig na niya ang ganitong pagtawag sa Gate ng Silangang Tsina at sa Bukanang Gate, ngunit hindi niya alam kung kaya niya ang ganito.  Mahirap, sa isip niya; hindi niya kaya.  Ngayon, alam na niyang mali siya sa pagtantya sa sarili.   “Mga blusang Batwing! Halikayo rito ! Tingnan ninyo !”   Sa pagkakataong ito, napakasama ng tunog, ngunit tila walang nagulat.  Ilan pang segundo, nasanay na ang mga mamimili sa kaniyang kakaibang sigaw.  Maipagkakamaling galing sa aso o sa kotse, at hindi pa rin papansinin ng mga namimili.   “Mga blusang Batwing!  Seksi, seksi, seksi, mga babae!”   Kung makasisigaw lang talaga siya ng kung anong malaswa para mapansin.  Buong araw, binantayan niya ang kaniyang tindahan, mula umaga hanggang oras ng hapunan, ngunit  wala siyang nabenta, isa man lang panlamig na angora o isang pares ng sapatos kaya --  wala maliban sa dalawampung angora.  Kahit iyon lang, ang may katandaang babae sa kaniyang kanan ay naiingit, dahil gayong mas matagal na ito rito, naibenta lamang nito ay pares ng medyas at dalawang panyo.  Ang tindahan sa kaliwa ay binabantayan ng isang lalaking dadalawampuin na muntik nang mapaaway sa isang kostumer dahil sa isang jaket na balat.  Ang sabi ng kostumer, iyon ay imitasyon; ipinilit ng tindero na tunay iyong balat.  Kinusot iyon ng kostumer at iginiit na imitasyon iyon mula sa ibang bansa.  Naubos na ang pasensya ng tindero.  Alam ni Huiquan na tunay iyong balat, ngunit hindi siya nakihalo sa gulo.  Walang dahilan para sumangkot.  Nang ang lalaki ay nag-alok sa kanya ng sigarilyo, tumanggi siya.  At siya naman ang nagsindi, di niya pinansin ang lalaki.  Wala siyang balak na mapalapit kaninuman.  Kailangang mag-ingat kapag sangkot ang ibang tao.   Siya ang huli sa hanay ng mga tindahan na nagsara ng araw na iyon.  Alas nuwebe na, kalahating oras matapos magsara ang department store.  Madilim ang paradahan, halos walang nagawa ang mga ilaw sa kalye; wala nang kostumer sa gabi.  Nagsasara na rin ang tindahan sa tapat, na binabantayan ng dalawang lalaki, ngunit kahit gabing-gabi pa, parang ayaw pa nilang tapusin ang araw; may lungkot at panghihinayang sa kanilang tinig.   “Medyas na nylon,  pasara na !  Otsenta sentimos ang isang pares … otsenta sentimos isang pares !  Paubos na ang medyas na nylon.  Huling tawag ! Medyas na nylon …   Dumaan ang kanilang sasakyan sa gilid ng kalye patungo sa daan, sa direksyon ng tore ng pamilyang Hu.  Pumedal ang isang tindero samantalang ang isa ay nakaluhod sa sasakyan at iwinawagayway ang isang pares ng medyas na nylon.  Sandali lang ang kanilang lungkot na mabilis na pinalitan ng pambihirang tuwa.  Ang kanilang mga tinig – isang mataas, isang mahina – ay iginala ng hangin sa gabi.  Sa sumunod na araw, nakabenta siya ng muffler.   Sa ikatlong araw, wala siyang naitinda.   Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras pagkabukas niya ng tindahan, nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog.  Pagkagaling sa Estasyon ng Beijing, tumungo sila sa hardware  sa tore ng pamilyang Hu, at nang marating nila ang Silangang-tulay, nagkulay talong ang kanilang labi dahil sa lamig.  Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera ay mabilis niyang isinilid sa kaniyang bulsa.  Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero.  Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag.  Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa.  Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad,  Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ?  Nag-iisip si Huiquian.






               PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ponema -  ang pinakamaliit na unit ng  makabuluhang tunog.
                0Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at
                   suprasegmental.
            Segmental = ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay
                                   kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabato.
            Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono
                                           (tune), haba (lengthening) at hinto
                                           (Juncture).

            2 Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, diin, tono at hintosa pagbibigkas at pagsasalita.

1.       Haba
* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
    pantig.
* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa ng  salita:
                                          bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
                                          bukas = hindi sarado
2.       Diin
*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng 
   binibigkas.
*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
                                          BU:hay = kapalaran ng tao
                                          bu:HAY = humihinga pa
                                          LA:mang = natatangi
                                          la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3.       Tono
* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
    mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.
    3  sa mataas.
* halimbawa ng salita:
                              Kahapon = 213, pag-aalinlangan
                              Kahapon = 231, pagpapatibay
                              talaga = 213, pag-aalinlangan
                              talaga = 231, pagpapatibay                                
4.       Hinto
*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
   malinaw ang mensahe.
*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )
   o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:
                                          Hindi, siya ang kababata ko.
                                          Hindi siya ang kababata ko.

                                 

Ang hatol ng kuneho
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea