Sa linggong ito natapos na ang aming ikatlong markahan.Kung aking ipagkukumpara ang pagsusulit noong nakaraang markahan,masasabi kong mas madali ngayon kaysa noong nakaraang markahan.
Sa linggo ring ito,pinasimulan ni Gng.Mixto ang aming talakayan tunkol sa Noli Me Tangere.At sinabi na rin niya ang mga gagawin naming produkto sa ikaapat na markahan.Higit na mas mahirap ang mga proyekto namin ngayon.
Biyernes, Enero 16, 2015
Biyernes, Enero 9, 2015
Repleksyon
Ito ang unang linggo ng aming pasukan ngayong taon. Sa unang araw ng aming talakayan,ipinakilala sa amin ni Gng. Mixto ang aralin apat na kung saan ang Saudi Arabia at Israel ang aming bibisitahin.
Nagbalik aral kami sa mga tinalakay noong nakaraang taon bagamat wala ako noon.At nagbalik aral rin kami sa sanaysay.Naatasan rin kami na manood ng isang dokyumentaryo at sagutin ang mga tanong na ibinigay ng aming guro.
Ang isa sa mga napanood kong dokyumentaryo ay Ang mga Dalagita sa Sapang Kawayan.
Ang dokyumentaryong ito ay tumatalakay sa pagbubuntis ng mga dalaga ng maaga sa isala ng Sapang Kawayan.Habang pinapanood ko ito,hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga nalaman ko at mga dahilan na binigay ng mga dalaga.Naiinis na naaawa ako sa kanila dahil sa murang edad pa lamang nila ay nagkakaanak na sila .At nakakainis din dahil ang mga dahilan ng mga kabataan ay hindi sapat na dahilan para sa maagang pagbubuntis.Higit sa lahat,naiinis ako sa mga mentalidad ng mga tao sa lugar na ito na kung saan kapag hindi kapa nagkaanak sa edad na 18 ay naiiwanan kana ng byahe at sa mga mgulang naman kapag 40 dapat may apo kana.Ngunit hindi korin naman masisisi ang mga tao dito dahil kung tutuusin ang gobyerno rin ang may kakulangan sa lugar na ito.
Tinalakay rin namin ang pangangatwiran ,pamaksang pangungusap at pantulong na pangungusap.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)