Sabado, Nobyembre 29, 2014

Repleksyon

     Ngayong linggong ito,tinalakay namin ang parabula.Ang parabula na isang maikling kwento na kadalasang hinahango mula sa Bibliya.Karamihan sa mga talinghaga o parabula ay mga kwentong sinabi ni Hesus na nagbibigay ng relihiyosong aral.Ang pabula at parabula ay magkaiba dahil ang tauhan ng mga pabula ay puro hayop.
      Ang aming parabula na tinalakay ngayon ay parabula ng banga (http://filipinobaitang9.blogspot.com/…/parabula-ng-banga.ht…).Habang tinatalakay sa amin ni  Ginang Mixto ang aral ng kwentong ito ako ay natatamaan.Aminado ako na ang karaniwang tinitingnan ko sa isang lalaki ay maitsura pero hindi naman ako tulad ng iba na papatol; agad dahil sa itsura ng lalaki.Sa araling ito,natutunan ko na dapat pag dumating na ang tamang panahon para ikaw ay umibig hindi dapat panlabas na kagandahan lang ang tinitingnan mo.Pilin mo ang lalaking karapat dapat at may mabuting kalooban.

   

Biyernes, Nobyembre 21, 2014

Repleksyon ngayong linggo...

       Sa linggong ito,si Gng. Mixto na ang aming naging guro.Muli naming binalikan ang aming aralin tungol sa paghahambing.Nagbigay  siya  ng iba pang kaalaman at mga gamit ng paghahambing.Nagkaroon rin kami ng ilang pagsasanay ukol sa pagbuo ng pangungusap gamita ang mga pahambing.At ngayong araw na ito,nagbigay ng ilang katanungan ang aming guro na may kinalaman sa kwento ng Rama at Sita.
       Matapos ang aralin na ito,maraming aral ang  aking natutunan.Una na nga riyan na kapag nagmahal ka ng isang tao kailangan mong maging tapat.Kapag mahal mo ang isang tao at may iba siyang mahal hindi mo kailangang gumamit ng karahasan para  mapasayo lamang ito.Ang pinakanatutunan ko ngayong linggong ito,hindi mo dapat maging dahilan ang pera ng isang lalaki para lamang sumama ka sa kanya kung hindi mo naman sya mahal.
       Ngunit ang lahat ng iyan ay hindi ko pa mararanasan dahil wala pa ako sa tamang edad para pumasok sa isang relasyon kaya ang lahat ng natutunan ko ay maisasabuhay ko kapag ako ay nagmahal na.

Biyernes, Nobyembre 14, 2014

Sa linggong ito...

     Ngayong linggo ay wala si Ginang Mixto kaya si Bb.Basbas ang humalili sa kaniya.Ngunit sa kasamaang palad,namamaos siya at di kayang magsalita ng matagal.Si Trixie ang aming naging guro.
   Tinalakay niya ang tungkol sa paghahambing.Natutunan ko ang  ibat-ibang uri nito.Nagsagawa kami ng pangkatang gawain kaugnay nito.Sa pagsasagawa ng aming pangkatang gawain marami parin ang nagkakamali sa paggamit ng malalaki at maliliit na titik sa pangungusap.Sa pangalawang araw,nag-ulat ang bawat pangkat tungkol sa paghahambing sa dalawang bansa sa Timog Kanlurang Asya.Nagsagawa rin kami ng pagsasanay dalawa at tatlo.Sa pagsasanay dalawa.kailangan naming paghambingin ang dating pangulo na sina Corazon Aquino at Gloria Arroyo habang sa ikatlong pagasasanay kailangan rin namin gumawa ng pangungusap gamit ang mga salitang naghahambing.

Sabado, Nobyembre 8, 2014

Unang linggo ng talakayan

    Ngayong linggong ito,tinalakay ni Ginang Mixto kung paano gumawa ng movie trailer.Nagbahagi ng ilang halimbawa si Ginang Mixto kaugnay sa aming tinalakay.Natutunan ko ang ibat-ibang paraan at dapat gawin sa paggawa nito na magiging proyekto namin ngayong markahan.
    Tinalakay rin namin ang aralin para sa unang aralin ngunit bago ito simulan nagsagawa muna kami ng gawain kung saan kailangan naming masagutan ang tinutukoy nito.
     Matapos kong mabasa ang Rama at Sita (Isang Kabanata),nalaman ko ang pilosopiya ng bansang India na kung saan pumapaksa sa kagandahan,talino at katotohanan.Natutunan ko rin  na kahit ano mang problema o tukso man ang dumating kaya nitong malampasan bastat mahal nyo ang isat-isa.