Linggo, Setyembre 28, 2014

"Paborito kong Guro"

      Tindig palang matatakot kana. Maging sa mga kwento  ng mga estudyanteng dumaan sa kamay niya kakabahan kana rin.Mapapaisip kana lang" Paano pa kaya kapag naging guro mo na siya?"
     Sa una,ayaw ko maging guro siya at takot na takot ako kung ano ang magiging buhay ko sa tipulo.Pero ang  lahat ng iyan ay pawang kathang-isip lang pala.
     Sa araw-araw ng kanyang pagtuturo hindi mawawala ang tawanan,takot na baka matawag ka  sa "on the spot question",mga pagsesermon at maging minsan ang pagpapahiya sayo.Ngunit sa lahat ng ito,matututo kang magpursege na magbasa ng libro,huwag maging tamad,maitama ang mga pagkakamali mo at maging malikhain sa lahat ng gawain. Higit sa lahat,ang kanyang mga aral at payo na hanggang ngayon ay patuloy naming isasabuhay.
    Sa dinarami na naging guro ko mula elementarya hanggang baitang siyam.Siya lamang ang  naging pinaka paborito kung guro. Kahit ano mang karanasan ang napagdaanan namin sa kanyang pagtuturo.Masaya man o malungkot.
    Mapapahanga ka rin sa galing niyang magturo sa agham.At maging ang kanyang pagiging strikto at masungit na awra ay tatatak din sa inyong isipan. 
   Sa pagtatapos ko sa baitang walo,tila ba masasabi kung malaya nako.Ngunit ang lungkot na nadarama ay hindi ko maitatanggi.Sa pagtapak namin sa baitang siyam,hindi kami magkakaroon ng pagkakataon para kaming iyong turuan.Ngunit patuloy naming isasabuhay ang mga aral na aming natutunan.